Para sa Mga Botante

Vote

Heto na ang araw na pinakaasam nyo. Ngayong araw, ginawaran kayo ng karapatang bumoto kung sino nararapat n mamuno sa susunod na administrasyon. Sa inyong kamay nagmumula ang natatanging pagbabago na hinihintay niyo. Kaya, bilang patnubay, pagktapos nyong magboto, sana ay itatak nyo ito sa isip: sa kahit anumang resultang lumabas, TAYO ANG MAY KAGAGAWAN NITO.

Kaya’t lagi lumalabas sa mga patalastas, paskil, polyeto at ibang paraphernalia na “vote wisely”. Totoo naman na kailangan ng pagkilitis pagdating sa pamimili kung sino ang dapat tumanggap ng posisyon sa gobyerno. Bilang pangutya, “vote responsibly” tayo. Maging mamamayan tayo ang may integridad at katapatan para rin sa paggalang sa pagtakbo ng bansa natin. Sino ang gusto ng bansang namumunuan ng mga pinunong boto ng bayan pero takwil pag nasa posisyon na?

Maging matapat at responsableng botante tayo. Huwag lang tayo aasa sa mga susunod na lider natin. Magtiwala na makakamit ng Pilipinas ang kasaganaan na ninanais natin. Nagsisimula sa bawat isa ang kagustuhan nating umunlad. Alam kong paulit-ulit ang mga pahayag na ito. Naging kasawa-sawa na ang kasabihang “tayo ang pag-asa ng bayan.” Ngunit kung ganoon, bakit hindi natin ipaglaban? Nagsismula lahat iyan sa boto niyo.

Sa ngayon, nanalig ako sa bayan na makamit natin ang pinakaasam nating pagbabago. Pero sa ngayon, saludo ako sa inyo. Ipagpatuloy natin ang pag-usbong para sa kaunlaran ng Pilipinas. Salamat po at pag-asa ay dadating.

Tumutugon po,

Ang Atubiling Katalista

Advertisements

Author:

I am a Peterson, a Bosconian, a Lasallian, an ENC Member, a movie buff, a writer, a thespian, an optimist and a servant of God. And I will tell you a story.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s