Isipin ang Kabataan, Isipin si Bunso

Isang araw nalang at pagkakataon na ng mga Pilipino upang piliin ang mga natatanging pinuno para sa mga posisyon sa pamahalaan. Habang nakababad tayo sa mga kampanya ng mga kandidato sa bawat sulok na pinupuntahan natin, malimit nating naiisip ang totoong makikinabang sa mga boto natin: ang susunod na henerasyon.

Bilang isang Pilipino, naniniwala ako sa potensyal ng kabataan. Nakikita ko marahil sa balita ang mga kwento ng tagumpay, gantimpala at karangalan na naabot ng mga nakababata. Mula sa mga patimpalak na nilahok ng mga estudyante hanggang sa mga maimpluwensiyang tao sa larangan ng sining, hindi duda na malaki ang mga naiambag ng kabataang Pilipino.

Kaya’t nararapat sila ay pahalagahan sa susunod sa eleksyon. At hindi lang yung basta-bastang pagtanggap sa katotohanan na “kabataan talaga ang pag-asa ng bayan”. Mas higit pa sa ganoon.

Nasisilayan ng kabataan ang mga kilos nating nakatatanda. Hindi sa minamaliit ko sa mga musmos pero talubata pa ang pag-iisip nila. Marami pa silang mapag-aalaman sa paligid nila. Nakatuto sila sa bawat kilos, gawi, asal, isip at pananalita nating mga nakatatanda at sa kapwa nilang bata. Kaya mula pang pagkabata, lagi nandyan ang mga palatuntunan sa mga paaralan na nagbibigay-pagkakataon ng mga bata para makilahok bilang mga lider. Dahil gusto natin silang sanayin na maging maaasahang kalahok sa lipunan.

Nagsisimula lagi sa maliit ang pamumuno ng isang bansa. Hindi lang sa pulitika tinitingnan ang salaysay natin sa akademiko. Syempre pagdating sa trabaho, tintingnan rin ang haiskul at kolehiyong pinag-aralan para madaling makilala nang husto. Pero, pati rin sa pamilya, sa kaibigan, sa ibang tao, sa ibang bansa at sa pagtingin ng lipunan sa mga may nakatanggap ng edukasyon. Bagamat mabuti ito, hindi ito nakatutulong sa iba. Kaya nga tama ang salawikain  na nagsabi na “pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot”.

At nakikita sa kabataan ang kultura na gusto nating ipahiwatig. Sa kapanahunan ng Internet, Facebook, Snapchat, Dubsmash at selfies, nagiging malinaw na may malaking papel ang ginagampanan ng kabataan sa ating lipunan sa pagpataw ng katuturan sa buhay. At kahit sabihan natin na nababase ang kultura mula sa ibang implikasyon (i.e. katutubo, probinsya, wika), may kapangyarihan ang mas nakababata para ipataw na kung anong kultura ang pwedeng itakda sa bansa. Kaya kung marahas na pamamatnugot ang ilalahad ng ating mga pinuno, marahas na pamamatnugot rin ang makakaimpluwensiya sa liderato ng mga nakababata. Huwag nating imaliit ang potensyal ni bunso.

Talagang responsibilidad natin silang ipaglaan ang mas nakakabuti para sa kanilang paglaki. Dahil diyan, mahalaga ang ating mga boto dahil tayo ang magtatampok ng mga pinunong magsusulong sa mga lupaing ipagkakaloob natin. Kaya paulit-ulit na pinapaalala sa atin, mula sa salita ni Gat Jose Rizal, na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Huwag nation pabayain si bunso.

Advertisements

Author:

I am a Peterson, a Bosconian, a Lasallian, an ENC Member, a movie buff, a writer, a thespian, an optimist and a servant of God. And I will tell you a story.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s