May Pinagmulan ang mga Tiwali

Minsan natatanong natin sa ating sarili: Bakit maraming corrupt sa pamahalaan? Bakit may mga itinitago sa atin ang mga pinuno natin? Nabahid na ng malisya kung may banta ng katiwalian na nangyayari sa mga opisyal. At kalabasan nito, tunay na naipagkamalang lubos na tiwali talaga ang gobyerno. Pero may pinagmulan ang mga tiwali.

Sa isang pangkaraniwang silid-aralan, may iba’t ibang uri na mag-aaral. Nandyan ang mga tipong matatalino na nangunguna sa grades. Nandyan rin ang mga dumidiskarte para lang maiangat ang mababa nilang grades. Sumasama din sa kanila ang mga walang intensyong maging topnotcher pero gusto lang makapasa. At sumasaludo sila sa mga lider sa seksyon nila. May iba’t ibang uri na lider din sa silid-aralan. May mga tipong nagpangakong itataguyod nila ang kanilang tungkulin. May mga tipo ding tingin nila’y may kapangyrihan silang mamuno sa kanyang mga kasamahan. At may mga tipo ding napwersahan lang maging lider dahil sa pambibiro ng kanilang kaklase o matalik na kaibigan. Pero, base rin sa dakong huli, may mga estudyante ring hindi maganda ang pinapakita nilang ugali. May mga pikon. May mga tamad. May mga bastos. At may mga dayain. Lahat ng mga ugali ng estudyante ay may pinaghugutan pero sa silid-aralan sya nabubuo. Kaya’t isa sa mga hinihikayat kong katotohanan ay ito: ang kabataan ang pinakamakapangyarihang pangkat sa bansa.

Hindi matutubos ang posibleng may marating mula sa kabataan. Mula sa kanila magmumula ang direksyon ng ating kinabukasan. Kaya’t atin nating maintindihan na ang kapakanan ng halalan o anuman nating matamo s bansa ay sukdulan kung ano ang mamasdan ng mga nakababata. Kaya’t sinabi ni Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng ating kinabukasan.” Naniwala ako sa kapangyarihan ng kabataan. Kaya bigyan natin sila ng mas maayos na daan para sa kinabukasan nila at ng bansa.

Advertisements

Author:

I am a Peterson, a Bosconian, a Lasallian, an ENC Member, a movie buff, a writer, a thespian, an optimist and a servant of God. And I will tell you a story.

One thought on “May Pinagmulan ang mga Tiwali

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s