Sa ngalan ng pamahalaan, paumanhin po

Jeep.png

Paumanhin po sa mga nasasawa sa mga problema sa ating bansa. Kabila-kabila ang mga pagsubok na dumadaan sa pamahalaan. Hindi ko alam kung maniniguradong madaling lutasin ng sanggunian ang mga problema ng Pilipinas. Pero alam kong nag-iisip sila ng mga pamamaraan sa pagresolba.

Pero bilang mamamayang Pilipino, nasa tungkulin natin para madinig ng pamahalaan ang ating mga saloobin. Ito ay para malabas ang ating mga damdamin sa mga hinaharap ng bayan. Kaya tayo ay nagproprotesta sa mga lansangan para ipaabot sa mga nabibingi-bingiang pinuno na may puwesto sa pamahalaan. Alam ko may mga hain tayong karaingan sa mga isyu sa bansa. At alam ko na naiinis tayo sa mabagal na pagkilos ng mga pinuno natin. Pero, sa ngalan ng pamahalaan, paumanhin po.

Paumanhin po sa mga sunud-sunod na suliranin na nagpapabawas sa kredibilidad ng mga tauhan. Paumanhin po sa mga lumalabas na pabubunyag na mga kaso ng katiwalian, pag-abuso at unos na tinatago sa likod ng mga mamamayan. Paumanhin po sa mabagal na pagkilos ng pamahalaan para masugpa ang mga isyu kinahaharapan, tulad ng sobrang pagtuyo, kakulangan sa pondo, kapahamakan mula sa giyera, pagbaba ng presyo ng mga bilihin at walang habas na kabagalan sa trapik. Paumanhin po sa pagtitiis na sa kahihintay ng tulong mula sa mga tanggapang pampubliko. At paumanhin po sa pangakong masusugpa ang kahirapan ng bawat Pilipino. Nakikita po naman na umunti-unti ang pag-asa nyo para sa bansang ito. At nakikiramay po kami.

Paumanhin po.

Pero, bilang isang optimistang Pilipino, hindi lang ako aasa sa pag-asa na magmumula sa kataas-taasang pwesto na ihahanda para sa susunod na halalan sa Mayo. Aasa ako sa bawat isa dahil nasa isa sa atin ang nais nating umunlad. Heto po ang kagustuhan ko: intindihan at tulungan natin ang gobyerno. Mahirap ito. Pero pareho lang ang ating inaatupag.

Heto lang sa akin. Hindi mawawala ang kahirapan pero hindi imposible ang pagkamit ng kaunlaran. Huwag nating isiping mawala ang kahirapan. Sa halip, isipin natin ang kamtan ang mabuting kinabukasan para sa bansa. Malayo pa ang tatahakin natin. Pero bilang iisang bayan, atubayan nating maabot ang pangarap ng ating mga pinuno at ng bawat mamamayan.

Nang matapat,

Isang katalistang atubili

Advertisements

Author:

I am a Peterson, a Bosconian, a Lasallian, an ENC Member, a movie buff, a writer, a thespian, an optimist and a servant of God. And I will tell you a story.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s