Sabi Nila, “Tayo ang Pag-asa ng Bayan”

mamamayan

Karaniwan ito ang nagiging paksa ng mga patalastas ng mga kandidato tuwing halalan sa telebisyon. Karaniwan ito ay pinapalabas para sa mga mamamayan. Minsan, ito’y para sa kabataan. Alam natin na ito ay isang taktika para makuha ang tiwala ng mga ganoong kandidato. Pero ano talaga ang ibig sabihin na “Tayo ang Pag-asa ng Bayan”?

Tayo ay ipinagkaloob ng isang masaganang kalupaan na bumubuo ng 7,500 at higit pang pulo. Mula sa ipinagkaloob sa atin, tayo ang nananagot sa kanyang paggamit. Tayo ang ginawaran ng tungkulin para ito ay lumago pa, yumago pa at maipagtanggol pa. Tayo ang pumapalibot sa bawat sulok ng kapuluan. Tayo ang nangungupat kung ano ang pwedeng ikabuti ng ating kalupaan. Kaya tayo ang nararapat isagot kung ano ang magiging hinaharap para sa ating bayan.

Kaya wala nang ibang maaasahang pag-asa sa bayan kundi tayo. Siyempre, nandyan ang Panginoon upang bigyan tayo ng kapangyarihan. Pero tungkulin natin kung paano gamitin ang kapangyarihan na ipinagkaloob Niya sa atin.

Sa mga sinasabi ng mga kandidato na ang bansa ay dapat kumilos para makamtan ang kaunlaran, tayo ang dapat unang gagalaw. Siyempre, bilang mamamayan, lahat tayo ang sasagot sa mga pangangailangan ng bayan natin. At bawat isa ay may katungkulan sa kung ano ang sakop niya.

Para sa mga mag-aaral, kayo ang ginawaran ng daan upang makatanggap ng edukasyon. Sikapin nyo ang pag-aaral. At heto, laging sikaping ikamit ang kahusayan sa pag-aaral.

Para sa mga manggagawa, kayo ay ginawaran ng tungkulin upang magsilbi sa kabuhayan at kalakalan ng bansa. Laging ipunyagi ang pinakamabuting kalidad na pwede nyong ibigay.

Para sa mga pamilya at magkakaroon ng pamilya, kayo ay ipinagkaloob ng tungkulin para sa pinakaunang antas ng lipunan. Sikaping gawaran ng kalakasan ang bawat isa.

At para sa mga sumisilbi sa pamahalaan, kayo ang inihandog ng karapatan para mamuno sa mga kapwa Pilipino. Maging mabuting halimbawa sa mga umaasa sa iyong pamamatnugot.

At sa lahat, bawat isa sa atin ang pag-asa ng bayan para sa hinaharap.

Advertisements

Author:

I am a Peterson, a Bosconian, a Lasallian, an ENC Member, a movie buff, a writer, a thespian, an optimist and a servant of God. And I will tell you a story.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s